Nangako si Russian President Vladimir Putin na patuloy nitong pababagsakin ang energy grid ng Ukraine sa kabila ng mga laban sa mga sistematikong pag-atake na nagdulot ng milyun-milyong pagkasira ng mga imprastraktura.
Dagdag pa dito, sinisisi ni Putin ang Ukraine sa pagpapasimula ng isang trend ng pag-atake sa mga imprastraktura ng sibilyan, na nagtuturo sa isang pagsabog sa isang pangunahing tulay sa pagitan ng mainland ng Russia at ang annexed Crimean peninsula na kamakailan niyang binisita.
Marami ang naging kontrobersyal tungkol sa mga bakbakan sa imprastraktura ng enerhiya sa isang kalapit na bansa ngunit hindi umano ito makakagambala sa kanilang pakikipaglaban.
Ang ilang linggong pag-atake ng mga missile ng Russia sa buong Ukraine ay nakaapekto sa mga pangunahing imprastraktura na nagdulot ng pagdurusa ng mga Ukrainian dahil sa kakulangan sa tubig at iba pa nilang mga pangangailangan.
Una rito, iniharap ni President Putin ang mga pag-aaklas bilang tugon sa pagsabog noong Oktubre sa tulay ng Kerch at inakusahan din ang Kyiv ng pagpapasabog ng mga linya ng kuryente mula sa Kursk nuclear power plant at dahil sa hindi pagbibigay ng tubig sa Donetsk sa silangang bahagi ng Ukraine. | Bombo Allaiza Eclarinal