-- Advertisements --

Ibibigay bilang donasyon ni Russian journalist Dmitry Muratov ang kaniyang napanalunang Nobel Peace Prize medal para sa Ukrainian refugees na napilitang lisanin ang kanilang bansa dahil sa pag-atake ng Russia.

Aniya, nasa mahigit 10 million na ang refugees mula sa Ukraine.

Inaantay pa aniya ang feedback mula sa auction houses para isubasta ang world-famous award.

Muratov nobel
Russian journalist Dmitry Muratov

Si Muratov ay ang editor-in-chief ng independent Novaya Gazeta newspaper ng Kremlin.

Noong Disyembre ng nakalipas na taon, naunang nagbigay ng donasyon ang Nobel Peace Prize Winner ng 30 million rubles o katumbas ng $290,000 ng kaniyang napanalunang pera sa charities.

Kung maalala kasabay ni Muratov na ginawaran ng award ang veteran journalist na si Maria Reesa.