-- Advertisements --
Tumanggi ang Russia sa mga inilatag na kondisyon ni US President Joe Biden para sa peace talks sa giyera sa Ukraine.
Ayon sa Moscow magpapatuloy pa rin ang opensiba nito sa Ukraine.
Sinabi ni Kremlin spokesman Dmitry Peskov na hindi handang tanggapin ng Russia ang mga kondisyon ni Biden kung saan una na nitong inihayag na posible lamang ang negosasyon sa pagitan niya at ni Russian President Vladimir Putin kung lilisanin ng Russian forces ang Ukraine.
Hindi din aniya kinikilala ng Amerika ang bagong mga teritoryo ng Russian Federation sa apat na rehiyon sa Ukraine nakinabibilangan ng Donetsk, Kherson, Lugansk at Zaporizhzhia.