-- Advertisements --
Pinagbawalan ng Russia na makapasok sa kanilang bansa si British Prime Minister Boris Johnson.
Ito ay dahil sa pagkampi niya sa Ukraine at ang pagpataw sa kanila ng sanctions.
Bukod kay Johnson ay kabilang ding pinagbawalang makapasok sa Russia ang ilang mga opisyal ng UK gayaa nina Foreign Secretary Liz Truss, Defence Secretary Ben Wallace at 10 ibang mga 10 senior politicians.
Ayon sa Moscow na ang nasabing hakbang ay bilang ganti sa laban sa UK.
Nauna ng nagpatupad ang Russia ng pagbabawal sa makapasok sa kanilang bansa si US President Joe Biden.