-- Advertisements --

Nanindigan ang Russia na nilabag ni Wall Street Journal reporter Evan Gershkovich ang kanilang batas at naaktuhan nila itong nag-iispiya.

Taliwas ito sa nasbing akusasyon ng US na nagkamali sila sa pag-aresto sa nasabing reporter.

Sinabi ni Kremlin spokesman Dmitry Peskov na malinaw na lumabag sa kaniang batas ang American journalist.

Hindi umano nila ito inaresto dahil siya ay American citizen.

Una rito ay nakausap na ni US President Joe Biden ang kaanak ni Gershkovich at tiniyak na gagawin nila ang lahat ng makakaya para mapalaya ito.

Gaya aniya sa ginawa kay US basketball player Brittney Griner na nakulong sa Russia noong nakaraang taon matapos na makuhanan ng iligal na substance sa kaniyang vape.