-- Advertisements --

Tatlong Kinzhal missiles — na pawang mga bagong hypersonic missiles ng Russia — ang pinakawalan umano mula sa isang eroplano at tumama sa isang “tourist infrastructure target”.

Ayon kay Sergey Bratchuk, spokesperson ng Odesa regional military administration na dalawang katao ang sugatan dahil sa missile strike.

Hindi tinukoy ni Bratchuk ang target, ngunit dalawang video na kumakalat sa social media ang nagpapakita ng malaking pinsala sa isang hotel sa nayon ng Zatoka.

Ito ang pangalawang hotel sa rehiyon ng Odesa na tinamaan noong Lunes.

Hindi pa malinaw kung bakit maaaring na-target ang dalawang hotel.

Isang shopping mall din ang tinamaan ng pitong missiles, ayon pa sa Armed Forces Southern Operational Command ng Ukraine.

Limang tao ang nasugatan, at isang tao ang namatay sa strike.