-- Advertisements --

Nagulat si UN chief Antonio Guterres matapos marinig ang rocket attack ng Russia sa Kyiv, Ukraine habang nakipagpulong ito kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky.

Inakusahan ni Zelensky ang Russia na sinisikap nito na pahiyain ang UN sa pamamagitan ng paglulunsad ng pag-atake habang nasa kabisera si Guterres.

Samantala, pinuna naman ni Guterres ang UN Security Council dahil sa pagkabigong pigilan o wakasan ang digmaan, na tinawag itong pinagmumulan ng malaking pagkabigo.

Nauna nang sinabi ng deputy secretary-general ng NATO na si Mircea Geoană na maaaring tatagal pa ng isang taon bago matapos ang digmaan sa Ukraine.