-- Advertisements --
Mas dumami pa ang bilang ng airstrikes na isinagawa ng Russia laban sa Ukraine.
Ayon sa US defense office na may ilang mga dahilan kung bakit pinaigiting ng Russia ang kanilang airstrike gaya ng pagsasagawa ng G7 summit at ang patuloy na pagtanggap ng Ukraine ng tulong mula sa ibang bansa.
Isa sa mga target na Russia na lugar ay ang Donbas region sa Ukraine.
PInakahuling missile atake ay ang pagtama ng Russian missile sa isang mall sa Kremenchuk City na ikinasawi ng 11 katao at ikinasugat ng mahigit 40 iba pa.