-- Advertisements --
Itinanggi ng Russia na mayroon silang mga armas na nakalagay sa Zaporizhzhia nuclear power plant.
Ayon kay Russian Defense Minister Sergei Shoigu na wala silang mga heavy weapons sa nasabing lugar.
Inakusahan pa nito ang Ukraine na ipinapasa sa kanila ang nasabing sisi.
Wala rin aniyang katotohanan ang alegasyon ng Ukraine na nagtatago ang sundalo ng Russia at ginagamit nila ang planta bilang panangga habang patuloy ang kanilang pagpalipad ng rocket.
Iginiit pa nito na mula pa noong Hulyo ay hindi tumitigila ang Ukraine na magpaulan ng mga rocket.