-- Advertisements --

Pumirma ng kasunduan ang Ukraine at Russia para sa pagbabalik na ng pagbiyahe ng mga trigo.

Ang hakbang ay para maibsan ang nararanasang krisis sa pagkain.

Pinangunahan nina Russian Defense Minister Sergei Shoigu at Ukrainian Infrastructure Minister Oleksandr na isinagawa sa Istanbul Turkey.

Kasama rin sa nasabing pirmahan si United Nation Secretary General Antonio Guterres at Turkish President Recep Tayyip Erdogan.

Bagamat magkaiba ang hawak nilang papel ay iisa lamang ang laman nito dahil ayaw ng opisyal ng Ukraine na makasama ang pangalan ng mga Russian sa iisang papel matapos ang ginawa nilang paglusob.