-- Advertisements --
Nagsagawa ng palitan ng preso ang Russia at Ukraine.
Umabot sa 41 na preso ang ipinasakamay ng Russia sa Ukraine bilang bahagi ng kasunduan ng palit-preso.
Ayon kay deputy Prime Minister Iryna Vereschulk na sa nasabing bilang ay 28 sa mga ito ay mga sundalo.
Isa rin sa mga hinuli ng Russia kasi ay religious leader mula sa Orthodox church ng Ukraine.
HIndi naman binanggit ng opisyal ng Ukraine kung ilang mga inmates ang naipasakamay nila sa Russia.