Isa pang Pinoy athlete ang nag-qualify ngayon upang sumabak sa Tokyo Olympics sa darating na buwan ng Hulyo.
Inanunsyo ngayon ng Philippine Rowing Association na pasok na rin ang rower na si Cris Nievarez sa Olimpiyada matapos makuha niya ang ikatlong puwesto sa Men’s Single Sculls (M1x) sa ginanap na World Rowing Asia & Oceania Olympic & Paralympic Qualification Regatta sa Tokyo, Japan.
Una rito si Nievarez ay naging gold medalist sa 2019 Southeast Asian Games at unang Filipino rower na sasali sa Olympics sa loob ng 20 taon mula nang maging kinatawan din si Benjie Tolentino noong taong 2000 Sydney Olympics.
Si Nievarez ang ika-walong Filipino athlete na nakasungkit ng spot sa Tokyo Games matapos na unang nag-qualify sina weightlifter Hidilyn Diaz, pole vaulter EJ Obiena, gymnast Carlos Yulo at mga boxers na sina Eumir Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio, at Carlo Paalam.
Samantala, bumuhos naman ngayon ang pagbati kay Nievarez pangunahin na mula sa Philippine Sports Commission.