-- Advertisements --

Tiniyak ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, na lalo pang pagbubutihin ng Kamara ang kanilang pagtatrabaho upang lalo pang mapagsilbihan ang sambayanang Pilipino.

Ginawa ni Speaker ang pahayag matapos lumabas sa resulta ng March 2023 Pulse Asia Survey, na nakakuha ng 51% approval rating ang House of Representatives.

Ikinatuwa ni Speaker at lubos na nagpasasalamat sa mga Pilipino dahil sa ibinigay na suporta, kumpiyansa at tiwala sa House of Representatives.

” As House leader, I am deeply honored, humbled and grateful to Filipino peaople for their trust and confidence in the House of Representatives,” pahayag ni Romualdez.

Ikinagagalak ni Speaker Romualdez na malaman na pinahahalagahan ng mas nakararami ang pagsisikap ng Kamara na mapagtibay ang mga panukalang lilikha ng maraming trabaho, business opportunities, assistance program para sa mahihirap at magbibigay daan upang magkaroon ng mas maginhawang bukas ang mga Pilipino.

” As a token of our gratitude, we will work even harder to pass the pending bills to advance the 8-point socioeconomic agenda of President Ferdinand Marcos Jr., designed to uplift the lives of our people,” pahayag ni Speaker Romualdez.

Ipinangako pa ng house Speaker na gagawin nila ang lahat upang maipasa ang mga nakabinbin na panukalang batas na kabilang sa 8-point socioeconomic agenda ni  Pang. Ferdinand Marcos, Jr., na may hangaring, maiangat ang pamumuhay ng bawat mamamayan ng bansa.