Handa si Leyte Rep. Martin Romualdez na sundin ang pronouncement ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa House leadership.
Ayon kay Salceda, nagpatawag ng meeting si Romualdez noong Martes na dinaluhan ng 72 kongresista na nagpahayag ng kahandaan na suportahan ang endorsement ng Punong Ehekutibo kay Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano para sa speakership post.
Iginiit rin ng kongresista na bukas sa kalooban ni Romualdez ang pronouncenment ng Pangulo na siya ang uupong Majority Leader ng Kamara sa 18th Congress.
Sinabi rin ng ekonomista na kanyang hiniling kay Romualdez na gawin ang gawin ang trabaho nito sa pag-develop ng isang “robust and dynamic relationship” sa uupong Speaker gayundin sa pagsusulong ng agenda ng Pangulo.
Nauna nang sinabi ni Salceda na 167 kongresista ang lumagda sa manifesto of support para kay Romualdez.