-- Advertisements --

Napanatili ng typhoon Rolly ang taglay na lakas ng hangin sa nakalipas na magdamag.

Huli itong namataan sa layong 655 km sa silangan hilagang silangan ng Virac, Catanduanes.

Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 20 kph.

Taglay na nito ang lakas ng hangin na 215 kph at may pagbugsong 265 kph.

Dahil dito, ang typhoon Rolly na ang itinuturing na pinakamalakas na bagyo sa mundo ngayong taong 2020.

SIGNAL NO. 2:

Catanduanes, eastern portion ng Camarines Sur (Caramoan, Garchitorena, Lagonoy, Tinambac, Siruma, Presentacion, San Jose, Goa, Buhi, Sagnay, Tigaon, Ocampo, Iriga City, Baao, Nabua, Bato, Balatan, Bula, Pili, Calabanga, Naga City, Bombon, Magarao, Canaman, Gainza, Milaor, Camaligan, Minalabac), Albay at Sorsogon

SIGNLA NO. 1:

Camarines Norte, natitirang bahagi ng Camarines Sur, Masbate, kasama na ang Ticao at Burias Islands, Quezon kabilang na ang Polillo Islands, Rizal, Laguna, Cavite, Batangas, Marinduque, Romblon, Occidental Mindoro pati na ang Lubang Island, Oriental Mindoro, Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Bataan, Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, Aurora, Pangasinan, Benguet, Ifugao, Nueva Vizcaya, Quirino, and the southern portion of Isabela.

Visayas

Northern Samar, northern portion ng Samar, northern portion ng Eastern Samar at northern portion of Biliran