-- Advertisements --

Isusunod na ang pagbabakuna ng COVID-19 booster dose para sa lahat ng menor de edad 12 hanggang 17-anyos sa susunod na linggo o mga araw matapos payagan ang pagbabakuna ng unang booster dose para sa immunocompromised na mga kabataan.

Ayon sa Department of Health (DOH) guidelines, pinayagan ang pagtuturok ng Pfizer COVID-19 bilang booster shots para sa naturang age group na 28 araw matapos ang second dose.

Paliwanag ng DOH na inaayos pa ang pagpapatupad ng vaccination ng booster dose para sa lahat ng minors kung kaya’t inuna muna ang mga immunocompromised na mga kabataan.

Hinimok din ang mga eligible ng kabataan na magpaturok ng unang booster dose para makabalik na rin sa in-person classes na maigi aniya para sa kanilang physical at mental health.

Ayon kay Health Usec Ma. Rosario Vergeire na ito na ang panahon para makabalik na ang mga bata sa face to face classes matapos ang dalawang taon na lockdown dahil sa COVID-19.

Iniulat din ni Vergeire na nasa kabuuang 9.5 million minors na edad 12 hanggang 17-anyos ang nakatanggap na ng primary doses.