-- Advertisements --
image 91

Tinambakan ng mga bagitong players ng Houston Rockets ang Los Angeles Lakers, 128 – 94.

Nanguna sa naging panalo ng Rockets ang FilAm guard na si Jalen Green na kumamada ng 28 points at pitong rebounds, habang halos lahat ng bench ay nagbigay-kontribusyon sa naging panalo ng Rockets, sa pangunguna ng 14 points ni Jae’Sean Tate.

Sa panig ng Lakers, mistulang walang nagawa ang mga batikan nitong players.

Nalimitahan lamang kasi sa 18 points ang superstar na si Lebron James kasama ang anim na rebounds. 22 points naman ang naging kontribusyon ng point guard na si D’Angelo Russell.

Mistula namang binuhat ng bench player na si Rui Hachimura ang Lakers sa kanyang 24 points at walong rebounds.

Sa simula pa lamang ng unang kwarter, nagawa na ng Rockets na tambakan ang lakers ng 13 points.

Nadagdagan pa ito ng walong puntos sa ikalawang kwarter at sa pagtatapos ng 3rd quarter ay umabot na sa 28 big points ang hawak na lead.

Hindi pa rin nagawa ng Lakers na bumangon sa huling kwarter, dahil na rin sa episyenteng shooting ng Rockets(54.8% FG%).

Bagaman mas maliliit at mas bata, dominado ng husto ng Rockets ang depensa: 57 rebounds, at 68 points in paint.

Para sa Lakers, labis itong pinahirapan ng mga hindi pumasok na tres kung saan sa kabuuan ng naturang game, pito lamang ang naipasok mula sa 25 attempts.