MANILA – Muling kinalampag ni Vice President Leni Robredo ang Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force (IATF) para tutukan ang umaapaw nang kapasidad ng mga ospital para sa mga pasyente ng COVID-19.
“Reiterating my call to DOH and IATF to seriously look into the shortage of hospital beds for patients,” ani Robredo sa kanyang online post.
Pahayag ito ng bise presidente matapos umanong makatanggap ng mga tawag ang kanyang tanggapan mula sa pamilya ng ilang confirmed cases na hindi na kayang ma-admit sa pagamutan.
May mga nabasa na rin daw na ulat ang Office of the Vice President tungkol sa mga pasyenteng binawian na ng buhay sa tent ng ospital at ambulansya habang naghihintay na ma-admit.
“(Also) at home without receiving any medical help.”
Binigyang diin ni Robredo ang nauna niyang rekomendasyon na palawigin pa ang kapasidad ng mga ospital sa pamamagitan ng pagtatayo ng field hospitals, hiring ng dagdag na healthcare workers, at pag-iimbak ng mga karagdagang gamit sa pagamutan.
Dismayado si VP Leni sa pahayag ng DOH sa nakaraang pagdinig ng House Committee on Health, kung saan nanindigan silang hindi pa napupuno ang mga ospital.
Gayundin ang pag-giit na 93% ng mga aktibong kaso ay mild at hindi kailangan dalhin sa health facility.
Reiterating my call to DOH and IATF to seriously look into the shortage of hospital beds for patients. For almost a…
Posted by Leni Gerona Robredo on Wednesday, March 31, 2021
“But again, iba yung personal account ng mga families sa sinasabi sa DOH data. If people who don’t need hospitalization are still getting in line in hospitals, there must be underlying reasons.”
“Have we built a system where people who are self isolating at home would still have access to medical help when necessary? Most of the people coming to us for help are saying they can’t contact the hotline numbers given. It must be because the system is already overloaded.”
Kinuwestyon ng pangalawang pangulo ang tugon ng Health department sa mga alok na serbisyo ngayon tulad ng “home care medical package.”
“May mga pamantayan ba ang DOH na kailangan sundin nung mga Home Care Specialists para din ma ensure kaligtasan ng mga nagkakasakit?”
Ayon kay VP Leni, bagamat paulit-ulit ang kanyang panawagan sa issue, wala ring ibang dapat gawin ang mga opisyal kundi tugunan ang dumadaming nagkakasakit at namamatay dahil sa COVID-19.
“People are getting sick and are dying. Bilis bilisan sana natin yung pagtugon kasi sobrang urgent pag buhay ng tao nakataya.”