-- Advertisements --

Napilitan umanong gumamit ang mga pulis ng water cannon at teargas sa mga ng mga football supporters na nagsagawa ng riot matapos pahiyain ng Morocco ang Belgium sa score na 2-0 sa nagpapatuloy na FIFA World Cup.

Dose-dosena raw na mga fans ang sinira ang mga shop windows at nagtapon ng mga fireworks.

Ilan sa mga fans din umano ang nagsunog ng mga sasakyan.

Agad namang ipinakalat ang daan-daang police officers sa lugar habang binalaan naman ang mga residenteng iwasan ang pumunta sa city center.

Isinara rin ang mga Metro stations at nilagyan ng harang ang mga lansangan para malimitahan ang pagkalat ng karahasan.