-- Advertisements --

Nagpapagaling na lamang ang Barbadian singer na si Rihanna matapos ang minor accident sa kanyang electric scooter malapit sa isang restaurant sa Los Angeles.

Ayon sa kinatawan ng 32-year-old singer/actress, hindi naman malubha ang natamong injury ni Rihanna sa kabila ng pagsubsob ng mukha nito nang tumagilid ang e-scooter.

“Rihanna is completely fine now but flipped over on an electric scooter last week and bruised her forehead and face,” saad nito.

Kung maaalala, si Rihanna ay biktima ng pambubugbog ng RnB singer at ex-boyfriend niyang si Chris Brown. (OMG)