-- Advertisements --
Nakatakdang magtanghal sa Academy Awards o Oscars ang singer na si Rihanna.
Ayon sa organizers ng Academy Awards na kakantahin nito ang nominadong kantang “Lift Me Up” mula sa pelikulang “Black Panther- Wakanda Forever”.
Katunggali ng Barbados-born singer sa nasabing nominasyon ang kanta ni Lady Gaga na “Hold My Hand” mula sa pelikulang “Top Gun: Mavericks”.
Hindi nagsagawa ng performance si Rihanna ng
mahigit na pitong taon na ang pinakahuli ay noong NFL Half Time show kung saan inamin nito na siya ay nagdadalang tao.
Gaganapin ang Oscars sa Marso 12 sa Dolby Theater ng Los Angeles.