-- Advertisements --

Posibleng makulong ng hanggang 50 taon ang singer na si Ricky Martin dahil sa nahaharap ito ng domestic sexual violence.

Base sa mga otoridad na inireklamo ang singer ng 21-anyos na pamangkin nitong si Dennis Yadiel Sanchez.

Ayon sa batas sa Puerto Rico na ang mahaharap sa 50 taon na pagkakakulong kapag ang nagreklamo ay kadugo nito.

Lumabas din sa imbestigasyon na nagkaroon ng mahigit pitong buwan na relasyon ang singer sa sarili nitong pamangkin na lalaki.

Itinakda ang pagdinig sa kaso ng singer sa darating na Hulyo 21.