-- Advertisements --

LAOAG CITY – Kinumpirma ni Police Captain Johnveil Maramag, chief of police ng PNP-Marcos ang pagpapaputok ng baril ang retiradong kasapi ng BFP sa Barangay Fortuna sa naturang bayan.

Nakilala ito na si Emerito Albano, retirado na kasapi ng BFP at residente sa nasabing bayan.

Ayon kay Maramag, nagresponde sila sa naturang barangay matapos makatangga ng tawag hinggil dito at inamin naman umano ni Albano na nagpaputok ng dalawang beses at isinuko nito ang caliber 45 na baril nito.

Sinabi nito na nakarekober sila ng dalawang kapsula ng bala ng baril ni Albano.

Inihayag pa nito na base sa paliwanag ni Albano ay nagalit ito matapos umanong kagatin ng aso ng kapitbahay nito ang kanyang mga alagang manok.

Dagdag nito na wala namang nasaktan na tao sa pagpapaputok ni Albano ng baril at kumpleto umano ang dokumento ng baril tulad ng LTOP at may Permit to carry firearms outside residence ito.

Ganunpaman, sinabi nito na naisampa na nila ang kasong Alarm and Scandal laban kay Albano.