-- Advertisements --

Ipinasara na ng Makati City government ang Chinese restaurant na pinangyarihan ng pagsabog ng liquefied petroleum gas (LPG) tank at ikinasugat ng apat katao sa Brgy. San Antonio, Makati City.

Ayon kay Makati City police chief Col. Rogelio Simon, mananatiling sarado ang naturang kainan hangga’t hindi natitiyak na ligtas ito para sa publiko at may sapat na permit para mag-operate.

Matatandaang apat na Chinese ang nagtamo ng sugat sa aksidenteng pagsabog ng LPG cylinder.

Sa ngayon ay nasa ligtas nang kalagayan ang apat na biktima matapos malapatan ng lunas.