-- Advertisements --
BSP

Tumaas sa $100 billion ang reserbang dolyar ng Pilipinas sa pagtatapos ng buwan ng Hulyo base sa data na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ito ay tumaas mula sa $99.4 billion gross international reserves level na naitala noong buwan ng Hunyo.

Ang buwanang pagtaas ng reserbang dolyar ng Pilipinas sa kabila pa ng balance of payments deficit noong Hulyo ay dahil sa pagtaas ng revaluation adjustments sa gold holdings ng BSP at mas maraming foreign currency kumpara sa assets.

Ang balance of payments (BOP) ay ang talaan ng lahat ng monetary at economic transactions sa pagitan ng isang bansa at sa iba pang mga bansa sa buong mundo kada quarter o taon kabilang ang goods, services at capital ay nananatiling nasa deficit na $53 million noong Hulyo, bumaba ito mula sa $1.8 billion payments position na naitala sa parehong buwan noong nakalipas na taon.

Ang BSP ang namamahala sa reserve assets ng bansa na binubuo ng foreign investments, gold, foreign exchange, reserve position sa International Monetary Fund at special drawing rights.