NAGA CITY- Ang laptop na nirequire ng guro ang isa tinitingnang dahilan ng pagpapakamatay ng isang estudyante sa Barangay Pag-Oring Nuevo, Libmanan, Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Dante Apcaraga, ama ng 16-anyos na dalagita, sinabing ito lamang nakaarang mga araw ng magsabi ang biktima na pinapadala aniya sila ng kanilang guro ng tig-iisang laptop.
Ito rin aniya ang naging pahayag ng mga kamag-aral ng kanyang anak.
Pinaniniwalaang ayaw mapahiya ng biktima kung kaya mas pinili nitong tapusin na lamang ang kanyang buhay.
Ayon pa kay Apcaraga, wala naman aniyang problema sa pamilya at maging sa kasintahan nito ang kanyang anak.
Sa ngayon, wala pang pahayag ang naturang guro na sinasabing nagrequired ng laptop sa naturang mga estudyante.