-- Advertisements --

Hinarang ng mga Republicans senators ang panukalang batas na bumuo ng bipartisan commission para imbestigahan ang nangyaring Capitol Hill Riot noong Enero 6.

Ang nasabing panukalang batas ay ipinasa ng US House of Representatives sa Senado noong nakaraang linggo.

Ayon sa ilang Republican members na hindi na mahalaga ang pagbuo ng bipartisan commission dahil nagsasagawa na ng imbestigasyon ang congressional panels.

Mayroong 54 senador kabilang ang anim na Republicans ang bumoto para sa pagbuo ng commission subalit hindi ito pumasa.

Kailangan kasi ng 60 na boto sa 100 senador ang bumuto pa maipasa ang nasabing batas.

Magugunitang nilusob ng mga supporters ni dating US President Donald Trump ang Capitol Hill matapos na maideklarang panalo sa halalan si President Joe Biden.

Sa nangyaring riot ay lima ang nasawi kabilang ang isang Capitol police officer.