-- Advertisements --

Pormal nang naghain ng kanyang kandidatura bilang gobernador ng lalawigan ng Laguna si 3rd District Rep. Sol Aragones.

Inihain in Aragones ang kanyang certificate of candidacy (COC) sa provincial Commission on Elections Office sa Calamba City.

Magiging ka-tandem ni Aragones si Jerico Ejercito, anak ni dating Laguna Governor ER Ejercito na naalis sa puwesto dahil sa election overspending noong 2013.

Kung papalarin siyang manalo sa tatakbuhang posisyon, sinabi ni Aragones na papalakasin niya ang healthcare system ng probinsya sa pamamagitan nang pagtayo ng isang tertiary hospital at pagpapababa sa halaga ng mga gamot.

Nangangako rin si Aragones na tututukan niya ang agriculture at tourism industries, at tiniyak din ang pagkakaroon ng social pension ng mga senior citizens.