-- Advertisements --
IMG 20191106 101500

Nag-uumapaw sa katuwaan ni Rep. Rida Robes ng San Jose Del Monte City (SJDM), Bulacan, matapos nitong saksihan ang personal na pagtanggap ng kanyang asawang si Mayor Arthur Robes ng pinakamataas na karangalang ipinagkakaloob ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Ito ay ang Seal of Good Local Governance (SGLG) na ibinibigay ng DILG sa munisipalidad o siyudad na nakapag-comply sa lahat ng requirements na itinakda ng departamento.

At sa loob ng tatlong taong pagsisikap ay nakamit na ng SJDM Ciity ang natatanging parangal. At sa pagkakataong ito ay hinahandog din ni Cong. Robes ang karanngalan sa mga mas maliliit pang nagsikap para makamit ito.

“It’s a big development for the city. Syempre sa lahat ng mga naghirap magmula kay mayor, vice mayor, konsehal, specially all the staff, department head. Sila talaga yung nagtrabaho ng todo-todo kawani ng gobyerno. Sabi nga nila walang special treatment pero with this kind of award, talagang ano…happy…happy ka na. its actually a smile. Progressive smile ang tawag dun. Its actually for the mayor , pero we work together as one, kasi mayor, congressman, magkakampi magkatuwang. Iisa lang ang sense of direction, yung pangarap, yung vision, lahat isa lang, So we work in one as a team,” pahayag ng konggresista.

Hindi rin naman nakaligtas sa pagtatanong ng media si Rep. Robes na ang tandem nila ni Mayor Robes ang dahilan at napagtagampayan na matamo ang prestihiyosong karangalan.

“Kasi walang kumpitensya, walang away. Hindi naman nila puwedeng sabihin na may graft and corruption . Kasi may COA tayo, nakakatakot yun. Actually it’s a tandem,” ayon pa sa kongresista.