Hinikayat ni Quezon City Rep Marvin Rillo ang mga high school graduates na mag-aral ng Bachelor of Science in Nursing.
Ginawa ni Rep Rillo ang apela sa gitna na rin ng malawakang kakulangan ng mga nurse practitioners sa Pilipinas at maging sa iba ang bahagi ng mundo.
Apela ni Rillo sa mga High Schools graduates na ikonsidera ang Nursing sa kanilang mga pagpipiliang kurso dahil sa tiyak itong magdudulot ng kaginhawaan sa hinaharap.
Maalalang una nang inamin ni DOH Sec Ted Herbosa na malaki ang kakulangan ng mga nurse sa bansa, kung kayat maging ang mga nursing graduates na wala pang lisensya, kasama na ang mga nursing students, ay nais din nilang hingan ng tulong.
Ayon kay Sec Herbosa na mayroong 4,800 vacant positions sa pamahalaan para sa mga kwalipikadong nurses.
Samantala, ayon sa World Health Organization report, kung hindi matutugunan ay magkakaroon ng 4.6million nurses sa buong mundo, pagpasok ng 2030.abot na sa mahigit 50,000 na mga food packs ang naipaabot na ng Department of Social Welfare and Development para sa mga residente ng Albay na inilakas nang dahil sa banta ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na ang naturang bilang ay binubuo ng nasa 38,000 mga food boxes na ipinamahagi ng kagawaran sa 9 na lokal na pamahalaan, at 15,000 mga food packs na ipinadala nito sa iba pang mga provincial government.
Ang mga ipinamahaging pagkain ay tinatayang aabot ng hanggang 15 araw na naglalaman ng anim na kilo ng bigas, 9 na mga delata, at mga ready-to-eat oatmeal.
Samantala, bukod dito ay sinabi rin ng kalihim na kinokonsidera nito ang pamamahagi ng mga cash subsidies sa mga sakaling lumampas sa 45 araw ang pag-aalborotong nararanasan na dulot ng Bulkang Mayon.
Sa ulat, sinasabing nasa 13,000 na mga residenteng naninirahan malapit sa Bulkang Mayon ang kinailangang ilikas sa mga evacuation centers nang dahil sa mga abo at toxic gases na ibinubuga ng nasabing bulkan.
Matatandaang nitong Linggo lang ay iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ay namataan na ang pag-agos ng mga nagbabagang lava mula sa bulkang Mayon na umagos pababa ng bulkan mula 500 hanggang 1,000 metro mula sa summit nito.