-- Advertisements --
DAVAO CITY – Inihayag ni Davao City 1st Dist. Rep. Paolo Z. Duterte na nasa mabuti siyang kalagayan matapos magpositibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Congressman Pulong, nasa isang ospital siya ngayon sa lungsod ang sumailalim sa isolation.
Dagdag ng mambabatas na naka-quarantine din ngayon sa kanilang bahay ang kanyang pamilya.
Nilinaw nitong wala umano siyang nararamdaman na sintomas at nagpasalamat ito sa mga nagpahayag ng kanilang pag-alala at tiniyak nito na patuloy siyang susunod sa quarantine protocols at magbibigay ng serbisyo kakit na naka-isolate.
Kung maalala mismong si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio ang nagkumpirma na nahawa ng virus si Pulong base sa resulta na kanyang test.