Ikinatuwa ni Baguio City Rep. Mauricio Domogan ang tuluyang pagkakahuli ni dating House Appropriations Committee Chair Zaldy Co sa Czech Republic.
Sa panayam ng Bombo Radyo Philippines kay Domogan, sinabi niyang makabubuti para sa Pilipinas ang pagkakahuli sa dating mambabatas na isa nang pugante matapos ang ilang buwan na pagtatago.
Dapat aniyang mabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino na marinig mismo kay Co ang tungkol sa kaniyang kaalaman at partisipasyon sa mga isyung ibinabato sa kaniya, at hindi lamang sa pamamagitan ng inilalabas na video messages.
Pagkakataon din aniya ito para makapagpaliwanag si Co, anuman ang kaniyang ginampanang papel sa nabunyag na flood control scandal.
Sa huli, kung tuluyang maibabalik sa Pilipinas ang dating partylist lawmaker, tiyak aniyang gugulong kinalaunan ang hustisiya, lalo na para sa mga Pilipinong apektado sa korapsyon na bumabalot sa mga public infrastructure project sa buong bansa. (Report by Bombo Genesis)
















