-- Advertisements --
Itinakda sa Hulyo 13 ang inaabangan rematch ni dating four-divisioin champion Donnie Nietes kay WBO world super flyweight champion Kazuto Ioka.
Sa unang paghaharap ng dalawa noong 2018 ay nagwagi ang Filipino boxer laban kay Ioka sa pamamagitan ng split decision at nakuha ang bakanteng WBO world super flyweight title.
Binakante ni Nietes ang nasabing titulo matapos ang tatlong taon na pamamahinga kaya nagkaroon ng pagkakataon si Ioka na makuha ang world title.
Huling lumaban ang 40-anyos na si Nietes ay noong Disyembre ng talunin si Norberto Jimenez.
Mayroong 43 panalo, isang talo at anim na draw na mayroong 23 knockout si Nietes habang si Ioka ay mayroong record na 28 panalo, dalawang talo na mayroong 15 knockouts.