-- Advertisements --

Ngayon pa lamang pinaghahanda na rin ni WBC bantamweight champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire ang mga boxing fans dahil sa tiyak daw na umaatikabong bakbakan ang magaganap sa rematch nila ng Japanese superstar na si Naoya Inoue sa darating na Martes, Hunyo 7

Si Inoue ang may hawak ng dalawang korona sa IBF at WBA.

Kung maalala noong 2019 ay kinilalang fight of the year ang kanilang showdown pero natalo sa unanimous decision si Donaire.

Gayunman sa pagkakataon ito tiniyak ng Pinoy champion na mas matindi pa ang rematch nila kumpara sa nangyari noon na brutal at classic fight.

Ayon kay Donaire hangad niya na makaganti laban sa knockout artist na si Inoue na umaabot na sa 19 ang mga kalaban na pinatulog mula sa 22 mga fights.

Sinabi pa ng 39-anyos na si Donaire alam na raw niya ngayon kung papaano ang diskarte para ipatikim ang unang talo ng Japanese boxing star.