Kaagad nang ipapamahagi sa mga apektadong pamilya sa Bohol ngayong araw ang mga relief supplies na dala ng BRP Tubbataha.
Ito ay matapos na makarating na sa Central Visayas ang naturang barko ng ulan ang 270 sako ng bigas, 37 piraso ng tarpaulin, apat na drum ng gasolina, apat na solar sets, dalawang generator sets, at kahun-kahong canned goods at instant noodels.
Kaagad din naman tinurn-over ang nasabing relief supplies sa Philippine Coast Guard District Central Visayas para kaagad din itong maibigay sa mga sinalanta ng Bagyong Odette sa Bohol ngayong araw.
Nauna nang naglabas ng direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin lahat ng assets at resources ng pamahalaan para makatulong sa agarang pagbangon ng mga pamilyang nabiktima ng Bagyong Odette.