-- Advertisements --

Inaasahang mailalabas ang rekomendasyon ng health Technology Assessment Council (HTAC) hinggil sa pagpapalawig ng pagbabakuna para sa ikalawang booster dose sa iba pang sektor sa araw ng huwebes o sa Biyernes.

Ayon kay health Secretary Francisco Duque III, ipagpapatuloy ngayong linggo ang kanilang assessment hinggil sa datos mula sa World Health Organization (WHO) , Centers for Disease Control and Prevention, Food and Drug Administration, at ng United Kingdom Joint Committee on Vaccination and Immunisation para matukoy ang epekto ng second booster shots laban sa covid19.

Ngayong araw ng Lunes, Abril 25, ganap ng sinimulan ang pagbabakuna ng ikalawang booster dose kung saan inuna ang mga immunocompromised individual sa National Capital Region.

Sa kasalukuyan, tanging pinayagan ng FDA ang emergency use authorization para sa ikalawang booster shot para sa mga senior citizens, immunocompromised at frontline health workers.