-- Advertisements --

Hindi patas ayon sa Department of Education (DepEd) ang mungkahi na ipasa na lamang ang lahat ng mga estudaynte dahil sa epekto ng COVID-19 pndemic.

Ayon kay DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio, maraming mga mag-aaral ang nagsusumikap at ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya para pumasa sa kabila ng mga hamon, habang mayroon namang ilang estudyante aniya na hindi naman siniseryoso ang kanilang pag-aaral.

Naniniwala aniya sila na mas magkakaroon ng magandang motivation ang mga estudyante na mag-aral kung alam nila ang kanilang ginagawa ay minamarkahan ng maayos.

Bagama’t nauunawan aniya nila na gusto lamang ng panukala na mabawasan ang stress at anxiety ng mga bata, pero sinabi ni Antonio na maari namang mag-alok ng tulong ang mga guro sa mga estudyanteng ito.

Kapag ipinatupad ang no fail policy, hindi matuturuan ang mga estudyante nang pagkakaroon ng responsibilidad sa buhay.

Dahil sa banta ng bagong COVID-19 variant, nagdesisyon ang DepEd na ipagpatuloy na lamang muna ang blended learning ng mga mag-aaral.