-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Naitala ang maraming gumaling kung ihambing sa mga bagong nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa SOCCSKSARGEN Region.

Batay sa huling datus ng Department of Health o DOH XII, nakapagtala ng 368 new recoveries ang rehiyon ngayong gabi kung kaya’t abot na ngayon sa 12,522 ang kabuoang bilang nito.

Sa panibagong bilang ng mga gumaling, pinakamarami ang mula sa South Cotabato na may 132 new recoveries, Sultan Kudarat na may 105, General Santos City 77 at North Cotabato 54.

280 na bagong nagpositibo ang naitala ng ahensiya sa rehiyon kung saan 143 cases mula sa South Cotabato, 74 North Cotabato, 48 Gensan at 15 Sultan Kudarat.

Dahil dito, sumampa na sa 16,300 ang total infection ng COVID sa Region XII.

Binawian naman ng buhay ang nasa 10 pasyente sa rehiyon kung saan dalawa sa mga ito ay mula sa Gensan habang ang natitirang iba pa ay nagmula sa Kidapawan City, Antipas at Mlang sa North Cotabato; Lake Sebu, Tupi at Surallah sa South Cotabato; at Tacurong City at Lambayong sa Sultan Kudarat.

Sa kasalukuyan, nasa 3,301 ang aktibong kaso ng COVID sa rehiyon.