Isinusulong ni dating PNP chief at kasalukuyang Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na obligahin ang mga pulis na sumailalim regularly sa neuropsychiatric tests kasunod nang pamamaslang ng isang pulis sa mag-ina sa Tarlac kamakailan.
Sinabi ni Dela Rosa na dapat taon-taon dapat na isagawa ang exam na ito at hindi sa tuwing magkakaroon lamang ng recruitment, para sa pag-aaral, at promotion.
Disyembre 20 ng taong kasalukuyan nang pagbabarilin ni Police Staff Sergeant Jonel Nuezca ang kapitbahay nitong mag-ina na sina Sonya Gregorio at Frank Anthony kasunod nang mainit na komprontasyon.
Nakuhanan ng video ang krimen na ito, na naging viral pa sa iba’t ibang social media platforms.
Ikinagalit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang krimen na ginawa ni Nuezca, na tinawag pa nitong “crazy” o baliw at kinuwestiyon kung paano ito nakapasa sa neurological exams para sa mga polic recruits.









