-- Advertisements --

DAVAO CITY – Iimbestigahan ng Police Regional Office (PRO-11) ang galaw ng mga miyembro ng iba’t ibang investment schemes sa Davao region lalo na ang Kabus Padatuon (KAPA) na may planong magsagawa ng kilos protesta matapos ipinasara ang kanilang mga opisina ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Major Jason Baria, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO-11), naghahanda ang mga pulis sa buong Davao region kung may isasagawang aktibidad ang mga miyembro ng KAPA.

Magpapatuloy rin umano ang pag-monitor nila sa mga investment schemes sa rehiyon kasama ang iba pang law enforcement unit.

Samantala, sinabi naman ni Col. Alexander Tagum, director ng Davao City Police Office (DCPO), na nirerespeto nila ang karapatan ng mga miyembro ng KAPA na magsagawa ng kilos protesta ngunit kailangan na may permit ang mga ito maliban sa freedom park.