Aprubado na ng Department of Justice (DoJ)-Department of Interior and Local Government (DILG) Joint Task Force ang pag-release sa halos 40 ex-convict na sumuko dahil pa rin sa isyu sa good conduct time allowance (GCTA) Law.
Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, nasa 37 na inmate ang pinakahuling na-recompute ang kanilang sintensiya at nakatakda na silang palayain.
Kapag tuluyan nang pinalabas sa piitan ang ika-apat na batch ay aabot na sa 124 na persons deprived of liberty (PDL)-surrenderers ang kabuuang napauwi ng Bureau of Corrections (BuCor).
Tiniyak naman ng DoJ na binibilisan nila ang pagproseso o pag-recompute sa sintensiyang kailangang bunuin ng mga sumukong ex-convict.
Sinabi ni Guevarra na tuloy-tuloy naman ang kanilang ginagawang pag-recompute para mapauwi na ang mga dating inmate lalo na ang mga sumukong hindi naman talaga nakagawa ng heinous crime.
“The Oversight Committee has approved the release of 27 PDL-surrenderers and 10 more or a total of 37, per recommendation by the Joint Task Force. This fourth batch of 37 individuals, once released by BuCor, should bring the total released PDL-surrenderers to 124,” ani Guevarra.