Isinusulong ni Senator Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na ma-realign ang P9.3 billion intelligence at confidential funds ng Marcos administration.
Ayon sa senador na maaaring gamitin na lamang sa pagkain, ayuda o financial assistance, housing units at iba pa ang malaking halaga.
Ginawa ng senador ang naturang rekomendasyon kasabay ng pagsisimula ng deliberasyon ng proposed 2023 P5.268 trillion national budget.
Sa naturang halaga, nasa P500 million intelligence funds ang inilaan para sa Office of the Vice President, P150 million para sa Department of Education at P19.2 million para sa Office of the Solicitor General.
Giniit din ni Pimentel na kailangang magsumite ng accomplishment reports sa kongreso kung paano gagamitin ang naturang pondo.
Subalit ayon naman kay Senator Juan Edgardo “Sonny” M. Angara, chairman ng Senate finance committee na siyang dumidepensa sa pondo ng Marcos administration para sa susunod na fiscal year, na hindi na maituturing na confidential ang naturang pondo kung kailangan ng periodic reporting.
Sinabi din ni angara na sa iallim ng general provision ng proposed General Appropriations Act , ang mga ahensiya ng gobyerno na may intelligence funds ay nagsusumite sa Pangilo ng quarterly report sa kanilang accomplishments sa paggamit ng naturang pondo.
Sa paggamit naman ng confidential funds, nagsusumite ang mga ahensiya ng reports sa Pangulo gayundin sa parehong kapulunga ng kongreso.