-- Advertisements --
Naghain ng not guilty plea ang rapper na si A$AP Rocky sa felony charge of assault with firearm.
Nagbunsod ang kaso sa pamamaril ng American rapper sa dating kaibigan nto sa Hollywood.
Sa pagdalo ng 33-anyos na rapper sa Los Angeles court agad na inihain ng abogado nito ang nasabing not guilty plea.
Ayon sa prosecutor ang rapper o Rakim Mayers sa tunay na pangalan ay gumamit umano ng semi-automatic handgun sa lalaki matapos ang hindi pagkakaunawaan.
Matapos ang alitan ay tinutukan ng rapper ang lalaki at pinaputukan kung saan nagtamo ang biktima ng minor injury noong nakaraang taon.
Una ng inaresto ang rapper noong 2019 ng masangkot ito sa kaguluhan sa Stockholm.