-- Advertisements --

DAGUPAN CITY — Inasahang makakapasa, subalit hindi inaasahang makakapasok sa Top 10.

Ito ani Justin Patrick Evangelista, Top 10 Passer sa 2024 Philippine Nurses Licensure Examination, ang kanyang naramdaman matapos nitong malaman na kabilang sya sa mga Topnotcher sa nasabing pagsusulit.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, sinabi nito na ito ang kanyang unang pagkakataon na sumailalim sa Philippine Nurses Licensure Examination at hindi rin naging biro ang kanyang paghahanda.

Aniya na mayroon lamang kasi siyang mas maikli pa sa tatlong buwan upang maghanda para sa eksaminasyon at sa loob ng panahon na iyon ay pinilit niyang tapusin ang lahat ng kurso na kinakailangan niyang ma-cover para sa Licensure Examination.

Sa mga panahong iyon ay naging pokus aniya ang makasama sa Topnotchers na siya namang pangarap niya.

Pagbabahagi pa nito na simula pa lamang kanyang pagkabata ay pinangarap na nito maging isang nars.

Kaugnay nito ay pinaplano naman ni Evangelista na magtrabaho sa Pilipinas upang manilbihan sa mga Pilipino at mas mapabuti pa ang kanyang kakayahan.