Naninindigan ang Commission on Elections (Comelec) na 99,9% na accurte ang match rate ng kanilang manual audit sa mga boto para sa halalan ngayong taon.
Ayon kay Comelec acting spokesperson Rex Laudiangco, nasa 163 ballot boxes na ang kanilang na-audit mula sa 757 randomly selected clustered polling precincts at kasalukuyang prinoproseso na ang nasa 50 iba pa.
Sa hiwalay na audit na isinagawa ng poll watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) , sinabi ni Laudianc na masa 77,786 ng 78,894 nakolektang election returns ay nagpapakita ng 100% accuracy rate.
Aniya ang assessment sa 339 ERs ay nasa proseso na para sa validation.
Ang random manual audit ay isinagawa ng Comelec, poll watchdogs na LENTE, association of certified public accountants, at ng Philippine Statistics Authority.










