-- Advertisements --
Nagtala ng impresibong panalo ang 30-anyos na Pinoy boxer na si Jhunriel Ramonal, matapos niyang pabagsakin ang katunggaling Japanese boxer sa New Year’s eve match sa Tokyo, Japan.
Agad na pinakawalan ni Ramonal ang kaniyang malalakas na atake sa unang salpukan pa lamang.
Nagtangka pang dumipensa ang Japanese opponent na si Yusaku Kuga, ngunit magkakasunod ang binitawang suntok ng Pinoy fighter.
Dahil sa KO win, naiuwi ni Jhunriel ang bakanteng titulo na WBO Asia Pacific super bantamweight.
Ginanap ang paghaharap ng dalawa sa Ota City General Gymnasium sa Tokyo, Japan.