-- Advertisements --

Patuloy ang paggalaw ng Tropical Depression “RAMIL” sa direksyong kanluran-timog habang nananatili ang lakas nito sa karagatang silangan ng bansa.

Ayon sa pinakahuling datos, tinatayang nasa 640 kilometro silangan ng Juban, Sorsogon ang sentro ng bagyo.

Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna, at pagbugsong hangin na umaabot sa 70 kilometro bawat oras..

Kumikilos ito sa bilis na 25 kilometro bawat oras patungong kanluran-timog.

Signal No. 1
Timog-silangang bahagi ng Isabela
Silangan at timog ng Quirino
Timog-silangang bahagi ng Nueva Vizcaya
Aurora
Silangang bahagi ng Nueva Ecija
Silangang bahagi ng Bulacan
Hilaga at silangang bahagi ng Quezon kabilang ang Pollilo Islands
Camarines Norte
Camarines Sur
Catanduanes
Albay
Sorsogon
Burias Island
Ticao Island
Northern Samar
Hilagang bahagi ng Eastern Samar
Hilagang bahagi ng Samar