-- Advertisements --

Tinambakan ng Rain or Shine ang Blackwater Bossing 151-95 sa nagpapatuloy na 2026 PBA Commissioner’s Cup.

Naitala ng Rain or Shine ang bagong record na may pinakamalaking winning margins.

Unang naitala ang malaking kalamangan noong 1980 ng talunin ng Utex ang Great Taste sa 154-99.

Sa simula pa lamang ay dominado ng Rain or Shine ang laro kung saan sa pagtatapos ng first quarter 42-15.

Nanguna si Andrei Caracut sa Elasto Painters na nagtala ng 22 points habang mayroong 20 points at siyam na rebounds ang import na si Jaylen Johnson.

Nasayang naman ang nagawang 24 points at siyam na rebounds ni Robert Upshaw III habang mayroong 14 points si RK Ilagan at 12 points si Sedrick Barefield para sa Bossing.