-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang karagatang malapit sa Jomalig, Quezon kaninang alas-10:11 ng gabi nitong Hulyo 29, 2026, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang lindol sa lalim na 10 kilometro at malawak itong naramdaman sa iba’t ibang bahagi ng Luzon, kabilang ang Metro Manila, Rizal, Quezon, Bulacan, Pampanga, Cavite, Laguna, Camarines Norte, Camarines Sur, at mga kalapit na lugar.

Naitala ang Intensity III sa Quezon City.

Samantala, sa instrumental intensity report ng PHIVOLCS, nakaranas din ng Intensity III ang Jose Panganiban at Mercedes sa Camarines Norte, gayundin ang Guinayangan at Infanta sa Quezon.

Naitala naman ang Intensity II sa Ragay, Iriga City, Pili, Sipocot, at Sagnay sa Camarines Sur.

Sa ngayon, wala pang naiuulat na pinsala kaugnay ng naramdamang lindol.