-- Advertisements --

Naglabas ng kautusan si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa lahat ng departamento ng lungsod sa mandatory na pagsusuot ng face mask.

Ayon kasi sa alkalde na sa loob ng mga nakaraang araw ay tumaas ng 60 percent ang kaso ng COVID-19 sa kanilang lungsod.

Nakasaad sa nasabing kautusan ang mandatory pa rin ng pagsusuot ng facemask loob ng healthcare facilities, sarado at mataong lugar ganun din sa mga pampublikong sasakyan.

Hinikayat din nito ang mga mamamayan na magtutungo sa kanilang City Hall na magsuot ng facemask lalo na sa mga hindi bakunado, nakakatanda mga mayroong comorbidities at immunocompromised.